Nagsagawa ng unang matagumpay na makabagong live kidney transplant sa Pilipinas ang isang grupo ng mga Filipino doctors.

Ang makabagong operasyon ng live kidney transplant, na tinatawag na Retroperitoneoscopic Live Donor Nephrectomy (RPLDN), ay isinagawa sa Providence Hospital sa Quezon City.

Pinangunahan ni Dr. Juvido P. Agatep, Jr., ang Retroperitoneoscopic Surgery sa Pilipinas. Kasama nya sina Dr. Christopher Perez, Dr. Jayson Dequina, at si Dr. Carlo Andutan.

Naging matagumpay ang operasyon gamit ang mga makabagong teknolohiya tulad ng camera at HD monitor.

Ito ay simula ng maliwanag na pag-asa para sa mga Pinoy na nangangailangang magpatransplant ng kidney sa Pilipinas.