Habang nagdiriwang ang France sa pagkapanalo bilang champion sa katatapos na World Cup finals sa Moscow noong July 16, 2018, ang kanilang goalkeeper ay umukit naman ng bagong tala sa kasaysayan ng Pilipinas bilang kauna-unahang Pilipinong kabilang sa team ng FIFA World Cup Champion.

Si Alphonse Areola, 25, isa sa mga players ng France na may immigrant background, ay may mga Pilipinong magulang na nag-migrate sa France.

Mula pa 2008, nakasama na si Areola sa French youth footbal team hanggang 2014. Naisama naman sya dahil sa angking galing sa footbal sa French football senior squad noong 2015.