Pinatunayan ni Manny Pacquiao na hindi pa sya kumukupas sa larangan ng boxing nang pinatumba nya ang Argentine na si Lucas Matthyse sa kanilang labanan sa WBA regular welterweight title sa Axiata Arena in Kuala Lumpur, Malaysia, Linggo, Hulyo 15, 2018.

Ang pagkapanalo ni Pacquiao ay umukit ng panibagong record sa kasaysayan ng boxing bilang kais-isang boxer na nagkamit ng walong titulo sa walong division.

“Salamat sa Diyos sa panalong ito,” sabi ni Paquiao. “Lahat ng ito ay para sa Diyos at lahat ng mga Pilipino. Salamat sa ating mga kababayan at sa ating Presidente na nanonood ng labang ito.”

Tatlong bese na pinatumba ni Pacquiao si Matthyse hanggang magpakawala ng uppercut si Pacquiao sa Round 7 na nagpaluhod kay Matthyse at iluwa ang kanyang mouthpiece. Ito nagsignal sa refree na itigal na ang laban at iproklama ang pagkapanalo ni Pacquiao.

Isa na namang karangalan ang inihatid ni Manny Pacquiao para sa Pilipinas at mga Pilipino sa buong daigdig.