Walang kinalaman si President Rodrigo Roa Duterte sa pagpapaalis ng Supreme Court kay Maria Lourdes Sereno bilang chief justice ng Supreme Court.

“Alam mo, out of character sa Presidente ang nakikialam diyan sa ganiyang bagay. Unang-una, ni hindi nga siya nakikialam sa kaniyang mga departamento, sa kaniyang mga Cabinet members,” sabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

“Under the law, she is entitled to file an MR considering na masyadong dikit iyong botohan, 8-6, eh magbago lang ng isip iyong isang Justice, di tabla na. So may pag-asa pa si Justice Sereno,” sabi ni Panelo.

“Baka pagka-MR mo naliwanagan iyong isa, o di biglang nagbago. Kasi mayroong mga instances na nagbabago ang Korte Suprema,” sabi ni Panelo.

“The SC is the final arbiter of the law. The High Court has spoken. Let us respect its decision granting the quo warranto petition as the proper remedy and the quo warranto petition ruling against Chief Justice Ma. Lourdes Sereno,” sabi ni Presidential spokesperson Harry Roque

Noong Biyernes, May 11, 2018, pinaboran ng Supreme Court en banc na may botong 8-6 ang quo warranto petition laban kay Sereno na isinumite ni Solicitor General Jose Calida noong March 5, 2018.

Pinaboran ng mga suusunod ang ang quo warranto petition: Associate Justices Teresita Leonardo De Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Noel Tijam, Samuel Martires, Andres Reyes Jr, and Alexander Gesmundo.

Ang mga hind naman pumbor ay ang mga sumsunod: Senior Associate Justice Antonio Carpio and Associate Justices Presbitero Velasco Jr., Mariano del Castillo, Estela Perlas Bernabe, Marvic Leonen, and Benjamin Caguioa.

Si Sereno ay ang kauna-unahang Chief Justice na sinipa ng Supreme Court dahil sa quo waranto petition. Siya rin ang unang babae na umupo sa pinakamataas na position sa hudikatura sa Pilipinas.

Si Serene ay appointed ni dating Presidente Benigno Aquino III noong 2012.