Ipinag-utos ng Manila Regional Regional Trial Court (RTC) ang muling pag-aresto sa mga lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) na sina Benito at Wilma Tiamzon.

Sa desisyong inilabas noong Enero 11, iniutos ng Manila RTC Branch 32 ang pag-aresto muli sa mga Tiamzon, kasama ang kapwa akusadong consultant ng National Democratic Front (NDF) na si Adelberto Silva.

Sinabi ni Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina na ang korte ay “walang dahilan upang higit pang pahintulutan ang kanilang pansamantalang kalayaan” kasunod ng Proclamation No. 360 ng Pangulong Rodrigo Duterte na opisyal na winawakasan ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NDF.

“Sa walang pasubali, ang tanging dahilan para sa kanilang pansamantalang kalayaan ay lumahok sa proseso ng kapayapaan,” sabi ni Medina.

Nagbigay ang Manila RTC ng warrant of arrest sa Tiamzon copule at kay Silva na walang inirekomendang piyansa.

Ang mag-asawang Tiamzon at si Silva ay pinalaya matapos mag-post ng piyansa noong Agosto 2016 nang ibalik ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NDF.