Ang Pinoy boxer na si Michael Dasmarinas ay nakakuha ng pinakamalaking break sa kanyang karera sa International Boxing Organization Bantamweight Title laban kayKarim Guerfi ​​ng Pransiya sa Singapore Indoor Stadium sa Abril 20, 2018.

Itatampok ang labanan bilang “main event” ng “Roar of Singapore IV.”

Si Dasmarinas, 25 at tubong Camarines Sur,  ay kasalukuyang ranked 4th ng World Boxing Council.

Sa kanyang huling laban, pinatalsik ni Dasmarinas si Phupha Por Nobnom ng Thailand sa loob lamang ng 2 rounds noong Oktubre 20, 2017.

“Puspusan po ang aking paghahanda. Tuloy-tuloy po ang ating ensayo dahil nais ko po makamit ang IBO world title na ito,” sinabi ni Dasmarinas.